ThiS is My WoRLd! Where everything is very complicated at times! i guess.... ;p



























My Photo
Name: Ronel Laranjo
Location: Quezon city, NCR, Philippines

im from Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Quezon City BA Filipino student ;p



Previous Post
  • SA wakas nabuksan ko rin!!!!
  • Bagong Taon Bagong buhay Bago Lahat?!
  • Bago kong AKdA
  • first day high
  • remembering diane..
  • God is good all the time
  • Ang aking mga BAGITOng akda....
  • ang pagpapatuloy....
  • ako'y nagbabalik!!!! ;p
  • haayyyy... dala ng kasipagan!




  • Archives
  • July 2006
  • August 2006
  • September 2006
  • November 2006
  • January 2007
  • March 2007




  • My FaNs ;p
    Paolo
    Alpha
    Lucha
    Ephraim
    Miguel
    Jelle
    Mark lawrence
    Myre







    Chikahan BoX





























    FiLiPiNoAkO
    Wednesday, March 28, 2007
    SA wakas nabuksan ko rin!!!!

    amputi ko sa pic na yan!!! hahah grabe!!!!!!!!!! after ilang years nang pagtatangkang pagbukas dito sa blogger e ngayon na lang ako nakabalik kasi laging wrong password daw! ano kaya un ako nga nakakaalam nga password ko tapos wrong!watever!hahah ;p
    grabe andami ng mga kaganapan sa buhay ko ayoko nang ikuwento!ahahah kakapagod ang nde ako mapapagod sabihin sainyo na im closer with god now.. at sobra as in super at grabe un blessings na binibigay nya sakin at sa aking pamilya! god is good all the time ;p
    its summerrrr1!!!!!!! grabe nakaligo na nga ako sa pool kahapon e kaya lang gusto ko pa!!! hahahah kahit umitim ako!!! (hello maitim naman pala talaga ako!haha) grabe ang bakasyon ay hindi pa rin bakasyon dahil may summer class... infairness ala akong bagsak! advance subject naman ang kukunin ko!
    Sana lagi na kong makapag-update dito ;p

    posted by Ronel @ 11:25 AM
    1 comments



    Thursday, January 04, 2007
    Bagong Taon Bagong buhay Bago Lahat?!


    After many years ng hindi pagpopo2st gnanahan na rin akong magkuwento... andami na nga palang mga pangyayari sa buhay ko na nde ko naishare mga pangyayaring masaya, kahiya-hiya at masaya! ahhaha...
    umpisahan natin sa pagiging aliping SA(student assistent)GIGILID ko sa sentro ng wikang filipino... aun yup working boy na ako kaya naman isa pang reason un kung bakit matagla tagalna rin akng d nakapagpost... dati ko pa gustong maranasang magtrabaho simula pa lang ng mag18 ako at isarin ito sa mga bagay na gusto kong maranasan ngaung nasa legal na edad na ako xemper bukod sa karanasan ay ang kadatungan!haha nakakahiya na rin kasing humingi sa mga aking mga magulang... nde naman mabigat un trabaho ko kasi sa filing ako naasign na siyang hobby ko dati bilang masinop na bata... kumpara kasi sa iba tulad ng blockmate kong si quiny na maghapong nagtatypr sa computer ng napakaraming article grabe! super sakit samata nun at baka magka carpasal syndrome pako! hahaha... aun mabait naman ang mga staff ala akong masabi! at the best of all libre ang photocopy ng readings! kahit isang libro pa ipaphotocopy ko libre!!! bwaahaaahhahah
    dun naman sa nakakahiyang pangyayari sa aking buhay! naku wag nevermind!hahaha as of the moment wala nang natitirang kahihiyan sa katawan ko!huhuhuhuu
    At sa masayang pangyayayari ulit! aun bagong taon, bagong ronel at sana panibagong lovelife?hahahah isa lang ang masasabi ko sa nagdaang taon! GOD IS VERY GOOD ALL THE time;p

    posted by Ronel @ 3:31 AM
    0 comments



    Saturday, November 18, 2006
    Bago kong AKdA
    matagal na rin akong hindi nakakapagsulat...

    Busogutom

    Busog pa ako sa kaligayahan*.
    Ginugutom na naman ng kalungkutan.

    Mabubusog ng minsan,
    nagugutom naman kadalasan.

    Busog man sa kasalukuyan
    Kagutuman nama’y tila panghabambuhay.

    Busog na busog sa kagutuman,
    Gutom na gutom din sa kabusugan.

    Kabusugan ba ito sa kagutuman o
    Kagutuman sa kabusugan?

    *salamat kay Mark Lawrence para sa linyang ito

    posted by Ronel @ 2:27 AM
    0 comments



    Saturday, November 11, 2006
    first day high

    ayan mga churchmates ko... alang pakialamanan!!! blog ko to!! ahhahah ;p mag side comment lang kayo sa gilid2!!!! hahaha ;p
    haaayyyy... ansaya!!!! this sem is the HAGARDLESS registration process for me kasi lahat ng subjects ko e nakuha ko sa CRS as in 18 units!!!! bwahahahhah at swerte kasi me MST na kasama na malas ako nun previous sem kasi never akong nakakuha nito... thank god... mejo nagkaroon lang ng problem un sa skolarship ko kasi nde pa daw nababayaran kaya nahold kami for ilang days pero naayos din sa wakas...
    naku ayan... xemper 1st day of class im expecting na walang prof pero pumasok pa rin ako para naman fil ko na pasukan na nga at kinikilatis ko rin ang mga clsm8s ko.... aun nun 1st day e ala talaga ni isang prof ang nagpakita!!!! un mga clasmates ko rin e un karamihan kilala ko kasi ka department, ka org, blockmate or watever affiliation... aun walang thrill dun sa mga subj ko na un... the next day dahil andun un NAT SCI1 ko (un ang MST subjrct ko ngaun) e mejo inaasahan kong may prof na... un nga me prof na kami dun at sobrang dami namin sa classrum as in 100+ pero naku ewan ko ba nde sa nagfififiling lang ako pero nafil ko tlga un isang girl dun (me hitsura naman) e nalove at first sight sakin!! ahhahahah ewan ko basta kasi hirap maexplain.. sana nga pra me lovelife ulit ako!!!! ahahhaha (kelan nga ba nagkaroon?!) naku isa pang nde ko malilimutan sa subject na ito at titiisin ko xa ng half sem (buti nga half sem lang!!!!) e un prof e ang korni!!! buti nde ko xa maxado naririnig (at xemper mejo busy rin ako sa pakikipagtitigan at pakikipagngitian) pero ang lakas pa rin ng kakornihan ng joke nya!!! 2-2 equals sero!!! naku!!! natawa ako sa sobrang kakornihan!!! kaklase ko rin pala si hulkster dito un clasmate ko nun HS... aun un clas ko naman sa linggwistik 110 ansaya ng clasrum kasi aircon kaya lang sobra sa 4th floor pa! at after nun e pupunta ako ng NIGS (na nasa ibayong bundok pa!) para sa NATSCI clas nga.. LILIPAd na lang ako!!! ahahha.... naku in god's grace makakayanan ko ton sem na to!!!

    posted by Ronel @ 8:24 PM
    1 comments



    Wednesday, November 08, 2006
    remembering diane..
    hayy.. kagagaling ko lang sa cremation ni diane... grabe.. saludo talaga ako sa kanya at pinanindigan at naghold sya sa kanyang faith!!!! she chose to live with Jesus in eternal life rather than in this material world... haayyyy.... super nakakalungkot man but still happy because we are assured that she's beside HIm right now...
    Thank you diane for all the memories... we love you and we will miss you...

    posted by Ronel @ 12:39 AM
    1 comments



    Friday, November 03, 2006
    God is good all the time

    un pic napagdiskitahan ko lang un webcam antagal kng nde nakakita nun e!!! haahha
    grabe.. habang sinusulat ko to ay may kamamatay lang na kaibgan... i know shell go to heaven with god because she's a good servant of the lord, devout christian, and she lived accordng to god's plan... haayyy.... i will miss you and to the readers of this entry please please magalay po tau ng dasalfor diane fernandez, may her soul be contented and happy sa piling ni Lord...

    On the lighter side... (lets shift the emotion) haayyy.. pasukan na naman!!! at tapos na ang sembrk! grabe eto ang una kong sembrk na nafil ko na sembrk tlga!!! as in free from hagardous work!!! haayyy... ansarap magswiming magdamag mula 9 ng gabi hanggang 1 ng madaling araw!!!!!! waaaaahhhhh... grabe super blessed ako nung nagtestify ako sa church about god's greatness... grabe super blessed pala ako at kaya nga eto binabalik ko sa kanya ang lahat2... God is gud all the time talga! and thanks din kasi okies naman mga grades ko last sem uS pa rin... thank god ;p hayyy grabe im supposed to post this long time ago at andami ko sanang kwento kaya lang super lungkot tlga ako nun nalaman ko un tungkol sa friend ko kaya nde na muna ako mgapapakasaya next tme nlng... thanks for the prayers ;p
    god bless

    posted by Ronel @ 11:31 PM
    3 comments



    Saturday, September 16, 2006
    Ang aking mga BAGITOng akda....

    Kulang(ot)
    Sabi ni Judy Ann Santos, “Lahat tayo ay lulong sa pag-ibig.” Lulong na lulong ako.

    Nakita na naman kita sa wakas, naroroon ka sa isang sulok, nag-iisa. Lalapitan pa sana kita at sasabihin ang matagal nang itinatago ngunit may kung anong pumigil sa akin. Pinagmasdan na lamang kita. Tinitigan nang mabuti, gaya ng lagi kong ginagawa, at nakita ang iyong patagong ginagawa. Unti-unti mong ipinasok ang hinliliit sa butas ng matangos na ilong. Dahan-dahan mo itong kinalikot, paikot, sa taas, sa baba. Sa unti-unting paglabas ng hinlilitt sa butas na iyon, sumama rito ang mga kulangot. Ipinunas mo ito sa pader sabay alis na parang walang nangyari. Dumaan ka lang sa harap ko nang parang malamig na hangin.

    Lumapit ako sa pinagpuwestuhan mo. Tiningnan ang kulangot na ipinunas mo sa pader. Hindi ko namalayang unti-unti nang lumalapit ang aking hinliliit sa pader na iyon hanggang sa dumikit sa kulangot at sumama sa hinliliit. Dahan-dahan ko itong inangat at tinalunton ang direksyon papunta sa aking labi. Hinagod ko ng dila ang iyong kulangot mula sa hinliliit. Bakit pati lasa nito'y kay pait para sa akin?

    Guest Speaker

    Unti-unti mong ibinubuka
    ang mga mapupulang labi.
    Sinasabayan din ng pagtaas
    ng iyong maitim na ngalangala.

    Kay halimuyak ng iyong hininga,
    alingasaw nito'y walang pinag-iba sa basura.
    Mga ngiping naninilaw
    sa pamatay mong ngiti sumisilay.

    Boses mong malumanay
    ang lumilikha ng matinding ingay.
    Sinasaliwan pa ng mabulaklak mong dila
    at balu-baluktot na salita.

    Mga pangungusap na iyong binibitiwan,
    lubusang nauunawaan.
    Kaya naman mga tao'y nagpupumilt
    na makinig at magpalakpakan.

    Sige pa, ipagpatuloy mo lang
    iyong pagtatalumpati sa Banyagang wika.
    Upang lubos kang maintindihan
    ng mga minamahal mong Kababayan.

    *ang mga akda kong ito ay lumabas sa BAgito zine ng UP UGAT (Ugnayan ng Manunulat) grabe super proud tlaga ako kasi nakapagpublish na rin ako ng aking mga akda... ang bagito zine ay inilalabas ng mga bagong miyembro sa bawat sem... Mejo nahuli un samin ng 2 sems kasi nagkaaberya... but still huli man daw at magaling! Late pa rin! ;p
    magkomento nman kayo.... salamat ;p

    posted by Ronel @ 4:45 AM
    3 comments



    This page is powered by Blogger.